Taxi, nasunog sa Commonwealth Quezon City

33

Manila, Philippines – Nagliyab ang isang taxi sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Quezon City.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire and Protection (BFP) para apulahin ang apoy.

Sa kasagsagan ng sunog, may narinig pang putok ang ilan sa mga saksi.

Wala namang nasaktan sa insidente habang hindi naman mahagilap ang driver ng nasunog na taxi.

Inaalam pa ng BFP ang dahilan ng sunog.

Facebook Comments