Pagbundol ng humaharurot na SUV sa isang motorsiklo sa Las Piñas, nahuli-cam

108

Manila, Philippines – Huli sa CCTV ang pagkaladkad sa dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo matapos mabundol ng humaharurot na S-U-V sa Las Piñas City.

Sa video, makikitang nagsasakay ng pasahero ang isang pampasaherong jeepney sa Alabang-Zapote road.

Ilang sandali, dumating ang isang motorsiklo lulan nina Jonathan Domingo at angkas na si Marlene San Juan.

Dito sila sinalpok ng S-U-V na mabilis na minamaneho ni Aizel Joy Gabriel.

Sa lakas ng impak, tumalsik ang rider at angkas at tumama sa likuran ng jeep.

Binawian ng buhay sa ospital ang mga biktima.

Nangako naman ang S-U-V driver ang lahat ng gagastusin sa ospital at libing kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso ng mga kaanak ng mga biktima.

Facebook Comments