Camp Melchor F dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela – Isang kasapi at Team Leader ng Communist NPA Terrorist(CNT) ang sumuko sa magkasanib na pwersa ng 17th Infantry Battalion at Rizal Municipal Police Station kaninang 8:30 umaga, Pebrero 23, 2018.
Sa kalatas na ipinaabot ng militar sa pamamagitan ni Army Captain Jefferson Somera, ang pinuno ng 5ID Division Public Affairs Office (DPAO) ang pagsuko ay sa pamamagitan ng tulong ng Lokal na Pamahalaan sa Bayan ng Rizal, Cagayan.
Ang nasabing Team Leader at S4 ng CNT ay may alyas na Joren o Javier.
Siya ay nagkaka-edad ng 19 anyos, binata at nakatira sa Sitio Turutukan, Brgy San Juan, Rizal, Cagayan.
Kabilang ito sa Squad Tres, Platoon Bravo, Danilo Ben Command, Northern Front, Komiteng Rehiyon-Hilaga Silangang Luzon na grupo ng CNT sa Cagayan.
Ayon kay LtCol Camilo Saddam, Battalion Cmdr, 17IB, ang pagsuko ni alyas Jorem/Javier ay dahil sa negosasyon na ginawa ni Vice Mayor Joel Ruma ng Rizal. Ang nasabing CNT ay nasa bahay parin ni VM Ruma para sa debriefing.
Inamin naman ni Alyas Jorem na ang nakitang korapsyon sa hanay ng grupo at matinding hirap at pagod sa pag-iwas sa mga kasundaluhan ang nag-udyok sa kanya para sumuko.
Samantala, pinapurihan naman ni BGen Perfecto M Rimando Jr, ang naging desisyon ni alyas Joren na magbalik loob sa pamahalaan. Kanyang sinabi na ang pagbabalik loob ni Alyas Jorem ay sumasalamin sa kahinaan na ng grupong CNT sa Bayan ng Rizal.
Idinagdag pa niya na ang pagbaba ng isang Team Leader ay malaking kawalan sa grupo at umaasa ang heneral na mas marami pa ang magbabalik loob na CNT sa susunod na mga araw.
Sa nakaraang mga araw ay mahigit 20 na kasapi ng Militia ng Bayan at mga Suportang Masa ng mga CNT ang sumuko rin sa hanay ng 17IB.