Tech4ED ng DICT, Ibinida!

Cauayan City, Isabela- Ibinida ng Department of Information Communication Technology-Luzon Cluster ang proyektong Tech4Ed Center o Technology for Education Employment Entrepreneur and Economic Development.

Sa tulong ng lokal na pamahalaan at ilang unibersidad, layunin nitong mailapit sa publiko ang kahalagahan ng paggamit ng makabagong teknolohiya lalo na sa mga tao na walang kakayahang makabili upang makagamit ang mga ito.

Una rito, idinaos kahapon ang Tech4Ed Conference na dinaluhan ng iba’t ibang LGUs at State Universities sa Region 1,2 at Cordillera Administrative Region.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Engr. William Rojas, Technical Operations Head ng DICT Luzon Cluster, opurtunidad ito sa mga taong walang kakayahang makapag aral. Pagkakataon umano ito sa mga nagnanais ituloy ang kanilang pag aaral. Hinalimbawa din ni Engr. Rojas na matapos ang pag aaral ng isang indibidwal sa paggamit ng teknolohiya ay maari na itong sumailalim sa ilang practical exam ng ibang ahensya gaya ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA).

Ayon pa kay Engr. Rojas, isa sa mga platform na nakapaloob sa Tech4ED Center ay ang LEAP o Learning English Application for Pinoys ito ay upang mahasa ang pagbigkas ng tamang ingles sa mga nagnanais namang magtrabaho bilang Call Center Agent at StarBooks naman ng DOST.

Nagpaalala naman si Engr. Rojas na maaaring gamitin ang ilang teknolohiya sa ilalim ng Tech4ED lalo na sa mga out-of-school-youth na nais ipagpatuloy ang kanilang pag aaral.

Facebook Comments