MANILA – Ikinaalarma ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang napabalitang mga technical glitches sa software para Automated Voting System sa darating na Eleksyon.Tinukoy ni Marcos ang pahayag ng Commission on Elections o Comelec na isa hanggang 2 porsyento (2%) ng mga balota ay nireject o hindi tinanggap ng Vote-Counting Machines sa isinagawang ballot verification test.Punto ni Sen. Marcos, sa 50 milyong balota na iimprenta ay posibleng umabot sa 500,000 up to 1 million ng mga balotang maaring hindi tanggapon automated counting machines.Nauna ng pinina ni Sen. Marcos ang pahayag ng Comelec na posibleng magkaroon ng delay sa pagdaraos ng eleksyon sa ibang mga lugar sa bansa.Giit ni Sen. Marcos sa Comelec, ayusin agad ang anumang problemang lilitaw kaugnay sa darating na eleksyon.Sinang ayunan naman ni Sen. Marcos ang pagbabalik sa transparency server.Pero mas mainam pa rin aniya kung ang lahat ay magiging vigilante at magbabantay upang walang makagawa ng kalokohan sa darating na botohan.
Technical Glitches Sa Atomated Voting System, Ikinaalarma Ng Isang Senador
Facebook Comments