Inatasan ng National Telecommunications Commission o NTC ang mga telecommunication companies na magsumite ng ulat hinggil sa mga problemang naranasan sa unang araw ng SIM registration.
Kabilang sa mga hinihinging detalye ng NTC ay ang mga insidente ng hindi nakumpletong registration, bilang ng mga apektadong subscriber, geographical area at ang mga hakbang na ginawa nila para tugunan ang mga aberya.
Sa Memorandum Order na may petsang December 27, sinabi ni NTC Deputy Commission Ella Blanca Lopez na dapat maisumite ng mga telco ang kanilang report ngayong araw.
Bago ito, inulan ng reklamo ng mga subscriber ang hindi ma-access na registration site ng mga telco habang ang iba ay hirap na mag-request ng one-time password o OTP.
Humingi na ng paumanhin ang mga telco at iginiit na nagkaroon ng heavy traffic sa kanilang sistema dahil sa dami ng nagpaparehistro.