TeleHealth Clinic ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, bubuksan na

Simula ngayong araw ay bubuksan na ang TeleHealth Clinic ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Maglilingkod ito sa mga pasyente mula Lunes hanggang Biyernes, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00pm ng hapon.

Ito ay para sa mga may karamdaman na hindi makalabas ng bahay para magpakonsulta sa doktor at ito ay para sa non-emergency cases lamang.


Ang telemedicine ay paggamit ng telepono, cellphone o iba pang electronic gadget ng pasyente para makipag-ugnayan sa doktor.

Unang hakbang para sa mga nais magpakonsulta ay ang sagutan ang online registration form na nakapost sa official Facebook page ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Ikalawa, hintayin ang tawag ng nurse manager para sa verification ng schedule kung saan dapat maghanda ng ID na magpapatunay ng pagiging residente ng Maynila.

Ikatlo, siguraduhin na mag-online isang oras bago ang nakatakdang schedule ng konsultasyon.

Panghuli ay sagutan ang online feedback survey pagkatapos ng konsultasyon at hintayin ang reseta at laboratory tests request na ipapadala ng nurse manager.

Facebook Comments