Temperatura sa Baguio City Bumagsak

Baguio, Philippines – Inaasahan na naman ang pag dagsa ng mga tao dito sa Baguio City dahil sa lamig ng panahon na ating nararanasan na kung saan umabot ang temperatura hanggang 12.5 degrees Celcius. Kaakibat ng pag lamig ng panahon ay ang papa-lapit na pag sapit ng kapaskuhan. Kaya naman paalala din sa mga turista na bibiyahe paakyat ng Baguio City na mag ingat at siguraduhing i-check ng mabuti ang mga sasakyan lalo na ang breaks para maiwasan ang disgrasya!

Sa datos mula sa PAGASA Baguio Synoptic Station, naitala sa lungsod ang 7.4 degrees Celcius alas 5:00 ng umaga pero bumaba pa ito sa 7.3 degrees Celcius alas 6:00 ng umaga noong Miyerkules at sa araw na ito ay umakyat sa 12.5 degrees celcius. Ito na ang mga pinakamababang temperatura na naitala sa Baguio City ngayong taong 2017.

Paalala sa mga turista na bibiyahe na i-check ang mga breaks at kundisyon ng inyong mga sasakyan at mag-ingat dahil madulas ang daan.


Ikaw bes, sing-lamig ba ng temperatura natin ang love life mo?

Facebook Comments