TEMPORARY CLOSURE | Ilang negosyo sa Boracay, nagsimula nang magsibak ng kanilang mga manggagawa

Manila, Philippines – Nagsimula ng magsibak ng kanilang mga empleyado ang ilang negosyo sa Boracay sa harap ng anim na buwang pagsasara nito na magsisimula sa Abril 26.

Sa ulat, isang hotel chain na sa isla ang nagtanggal ng nasa 280 empleyado nito dahil hindi na nila inaasahan na magkakaroon pa ng bisita.

Ang ilang hotel naman ay pinagbabakasyon muna ang kanilang mga emplyedo.


Gayunman bagaman walang sahod tiniyak ng mga negosyante na babayaran pa rin nila ang SSS at PhilHealth ng mga pinagbakasyong empleyado.

Inaasahan namang sumunod na rin sa nasabing hakbang ang iba pang negosyo sa isla sa mga susunod na araw.

Facebook Comments