Ten Wheeler Truck, Tumagilid sa National Highway ng Cauayan City!

Cauayan City, Isabela – Tumagilid sa daan ang isang ten wheeler truck kaninang madaling araw sa Barangay Sillawit, Cauayan City matapos mawalan ng kontrol ang manibela nito.

Sa mismong panayam ng RMN Cauayan sa drayber ng trak na si Patrick Bello, residente ng San Fernando Pampanga na nagmula umano sila sa probinsya ng Pampanga at patungo sa Minante 2, Cauayan City upang dalhin ang produktong de lata at kasama ang kaniyang pahinante na si Francis dela Cruz.

Sinabi ni Bello na nagkaroon umano ng problema sa manibela ng truck sa aktong mag-over take sana ito sa kaliwang bahagi ngunit hindi na umano bumalik sa kanang bahagi na naging sanhi ng pagkakatumba ng ten wheeler truck.


Batay pa sa nasabing pangyayari ay nahulog umano sa gilid ng daan ang gulong ng sasakyan na naging sanhi ng pagkakatumba nito.

Samantala hindi naman nakasagabal sa daloy ng trapiko ang naturang insidente dahil mismong sa gilid ng National Highway ng Sillawit Cauayan City natumba ang ten wheeler truck.


Facebook Comments