Tensyon, sumiklab sa ospital kung saan naka-confine si Daraga Mayor Carlwyn Baldo

Manila, Philippines – Nagkaroon ng bahagyang komosyon kaninang umaga sa UST-Legazpi Hospital kung saan naka-confine si Daraga Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ng abogado nitong si Atty. Lewinsky “Rex” Fernandez na may nagpuntang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ospital para sabihing may utos sa itaas na maaari nang ilipat ng kulungan ang alkalde.

Ayon aniya kay Major Paguia, kung maayos na ang kalagayan ng alkalde ay ililipat na siya sa Legazpi Jail pero kung hindi pa ay ililipat siya sa PNP General Hospital sa Camp Crame, bagay na kanilang tinutulan.


Kasabay nito, pumayag na rin aniya si Mayor Baldo na magpakulong muna sa Legazpi Jail.

Pero tiwala ang kampo ni Mayor Baldo na mapagbibigyan ang kanilang motion for bail matapos na silang maghain ng counter affidavit laban sa kasong illegal possession of firearms and ammunition at illegal possession of an explosive.

Sa ngayon – stable naman ang lagay ni Mayor Baldo at naghihintay na lang ng resulta sa kanyang series of test.

Si Mayor Baldo ang sinasabing pangunahing suspek sa pagpaslang kay Ako Bicol Party-List Representative Rodel Batocabe.

Samantala – para naman sa karagdagang detalye abangan bukas ang kumpletong panayam kay Atty. Rex Fernandez sa programang Straight to The Point, alas-6 hanggang alas-9 ng umaga.

Facebook Comments