Matagumpay na naipagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kasabay ng pahayag na sa nakalipas na anim na taong panunungkulan ng pangulo ay walang nabawas sa teritoryo ng Pilipinas at wala ring nakamkam na teritoryo ang ibang mga bansa sa pinag-aagawang karagatan.
Nagkaroon lang aniya ng pag-improve ang mga bansang may interes sa WPS sa mga teritoryong hawak nila sa kasalukuyan.
Wala naman aniyang problema dito basta’t manatili ang status quo na walang sasakop ng bagong teritoryo.
Sa panig aniya ng Pilipinas ay tuloy-tuloy rin ang ginagawang improvement sa mga isla na okupado ng bansa sa Kalayaan island group, kung saan pinakamalaki ang Pag-asa Island.
Target aniya ng pamahalaan na matapos ang runway sa Pag-asa Island sa June 30, pero baka abutin na ito ng July o August.
Sa oras aniya na matapos ang runway, maari nang lumapag anumang oras ang mga eroplano sa Pag-asa Island.