Pamamahagi ng libreng antigen test sa MRT 3, magpapatuloy pa rin

36

Itutuloy pa rin ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 ang pamamahagi ng libreng antigen testing sa commuters hanggang Hunyo 30.

Mangyari lamang na lumapit sa testing areas sa istasyon ng tren ang mga pasahero na boluntaryong magpa-test.

Isinasagawa ito tuwing ala-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa mga istasyon ng North Avenue, Shaw Boulevard, at salas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon sa mga istasyon ng Cubao at Shaw Boulevard.


Samantala, magpapatuloy hanggang Hunyo 30 ang libreng sakay sa MRT 3 para sa lahat ng mga pasahero sa halip na hanggang ngayong araw na lamang matapos palawigin pa ng isa pang buwan.

Facebook Comments