MANILA – Hindi tinanggap ng National Democratic Front of the Philippines (NDF) ang liham na pormal na pumuputol sa kasunduang gumagarantiya sa kaligtasan ng mga rebeldeng dumalo sa usapang pangkapayapaan.Ayon kay NDF Chief Fidel Agcaoili – hindi pa rin maaring arestuhin ang mga pinalayang consultant dahil may bisa pa rin ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.Aniya, dapat linawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga dahilan kung bakit ibinasura ang JASIG.Pero giit ni AFP Spokesperson COLONEL ED AREVALO – mas mainam na sumuko na lang ang mga NDF consultant.Kasabay nito, sinabi ni Arevalo na wala pa siyang natatanggap na impormasyon kung nakabalik na sa bansa ang mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon.
Facebook Comments