Janitor, binaril sa batok habang naglalakad pauwi

Pasay City – Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang janitor matapos itong barilin ng nag-iisang suspek sa Taft Ave. Extension at Cuneta St., Barangay 79, Zone 10, Pasay City.

Naglalakad lamang pauwi ang bitkimang si Rolando Omandag nang lapitan ng suspek saka binaril sa batok.

Selos o personal na away ang tinitignan motibo ng mga otoridad sa pamamaril sa biktima dahil hindi ito nasangkot sa iligal na droga.


Nagpapatuloy pa din ang imbestigasyon ng Pasay City Police sa nasabing insidente.

Facebook Comments