Kinomisyon ng gobyerno ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para mag-produce ng 50 milyong reusable face masks na libreng ipamimigay sa publiko.
Ito ang kinumpirma ni TESDA Deputy Director-General for Partnership and Linkages Aniceto Bertiz III.
Aniya, naatasan ang TESDA na gumawa ng mga face masks alinsunod sa required quality standards pero sa halagang hindi lalampas sa P15 bawat isa.
Oras na matapos, ite-turn over ang mga face mask sa Department of the Interior and Local Government (DILG) saka ipamamahagi sa mga provincial, city at municipal government.
Bago ito, buwan ng Marso ay nagpo-produce na rin ang TESDA ng sarili nitong mga face masks sa ilalim ng Home-Based Livelihood Support Program nito para sa mga marginal families.
Namimigay din ang ahensya ng libreng face masks sa mga returning Filipino migrant workers at sa mga COVID-19 frontliners.