P17-M halaga ng ecstacy, nasabat sa Pampanga

96

Nasa P17 milyong halaga ng ecstasy ang nasabat sa buy-bust operation sa Pampanga ngayong araw.


Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), nasa 10,000 ecstasy tablets ang kanilang nakumpiska sa magkahiwalay na police operation sa Barangay San Roque Dau sa bayan ng Lubao.

Nadakip naman sa operasyon sina:

1. Katrina Legaspi y Mendoza alyas Charmaine Valencia Bacani, 36 anyos, single at residente ng San Roque Dau 1st, Lubao;

2. Joshua Bautista y Macabulos, 20 years old, nakatira sa Maquiapo, Guagua, Pampanga;

3. William Valencia y Manansala, 41 years old, taga San Roque,Dau 1st. Lubao, Pampanga;

4. Raphy Quiboloy y Serrano, 30 years old, naninirahan sa Maquiapo, Gaugua, Pampanga; at




5. Patrick Bagang y Pangan, 35 years old, residente ng Sta. Cruz, Lubao, Pampanga.

Ayon pa sa ulat ng PDEA, galing pa sa The Netherlands ang mga ecstacy tablet na may dalawang consignees na taga-Lubao at Guagua, Pampanga.

Facebook Comments