Ilulunsad ngayong araw ang e-Fora ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para pag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon at mga kinakaharap na mga hamon ng Technical Vocational Education and Training (TVET) at industriya.
Ayon kay TESDA Secretary Isidro Lapeña, ang e-Fora ay isang TVET virtual conference series na magsisimula ngayong araw na may temang “Survive, Revive, and Thrive: Transforming TVET towards the New Normal and Digital Future.”
Aniya, pag-uusapan din dito ang mga hakbang para sa local at international TVET, strategies para sa employment at productivity ng mga public at private sector upang matugunan ang iba’t ibang isyu na dulot ng COVID-19 pandemic at ang mabilis na pagbabago ng technology at work environment.
Dadalahan aniya ang nasabing aktibidad ng TVET experts mula sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), international organizations, lahat ng industry sectors ng bansa at stakeholders mula naman sa public at private partners at Non-Government Organizations (NGOs).
Ipapalabas ang e-Fora sa official Facebook account ng TESDA.