TESDA, namahagi ng solar panels sa mga Indigenous People ng Region XII

Inihayag ng pamunuan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na namahagi ito ng solar panel sa mga komonidad ng Indigenous People (IP) sa Region XII.

Ayon Secretary Isidro Lapeña, ang nasabing solar panels ay naghatid kuryente upang magbigay liwanag sa mga bahay sa IP community ng Sitio Blit ng Barangay Ned, Lake Sebu, South Cotabato at Sitio Dalhag ng Barangay Manobo, Magpet, Cotabato Province na pinili ng TESDA’s Barangay Development Project.

Aniya, ang mga katutubo mismo ang nag-install ng solar panels, kung saan sila ay sumailalim din sa pagsasanay kaugnay sa Photovoltaic System and Solar Panel Installation program ng TESDA.


Sinabi ng kalihim na ang nasabing programa ay nasa ilalim ng TESDA Alay ay Liwanag at Asenso o tinatawag nila na Project TALA.

Facebook Comments