TESDA, tiniyak na palalakasin pa ang kalidad ng techvoc courses sa mga training institution sa bansa

Iginiit ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) na palalakasin pa nila ang kalidad ng technical vocational courses sa bansa.

Ayon kay TESDA Secretary Suharto Mangudadatu, layon nito na matiyak ng TESDA ang maayos at kalidad na pagtuturo ng TechVoc courses sa iba’t ibang training institution sa bansa.

Aniya, nais nilang makilala ang mga Pilipino sa iba’t ibang larangan kasunod ng mga ino-offer nila na mga courses.


Kaugnay nito, nagbigay parangal din ang TESDA para naman sa mga natatanging training institution na may magandang pamamalakad sa tvet courses.

Facebook Comments