PBBM, muling siniguro ang commitment ng kanyang administrasyon sa reconciliation at pagkakaisa

Binigyang-diin muli ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na committed ang kanyang administrasyon sa tuloy-tuloy na pagkakamit ng pagkaka-isa at reconciliation.

Ayon sa pangulo, patuloy na gumagawa ng hakbang ang gobyerno para maabot ang mithiin na ito sa ngalan ng pagkakaisa.

Patunay rito ayon sa panggulo ang nilagdaang niyang amnesty proclamation na nagbibigay pagkakataon sa mga rebelde na magbalik-loob na sa pamahalaan.


Ang ganitong mga hakbang ayon sa presidente ay ambag sa inaasam-asam din na pangkalahatang katatagan ng bansa.

Facebook Comments