Testimonya ng mga testigo sa nangyaring pamamaril sa Sulu, hindi tugma sa inilabas na spot report ng PNP- ayon sa AFP

Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi tugma ang inilabas na spot report ng Philippine National Police (PNP) base sa testimonya ng mga testigo sa nangyaring pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo sa Jolo,Sulu.

Ayon kay AFP Spokesperson Police Major General Edgard Arevalo, sa inisyal na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI), magkakatugma ang pahayag ng mga civilian witnessess kaugnay sa isang sundalo na nakamotorsiklo na back-up ng SUV.

Nanindigan din ang AFP na walang nangyaring sagupaan o palitan ng putok dahil walang bitbit na baril ang apat na sundalo.


Una nang sinabi ni Philippine Army Chief Lieutenant General Gilbert Gapay na fabricated o gawa-gawa lamang ang spot report ng PNP.

Sa ngayon ay kinokolekta na ng NBI ang mga testimonya ng iba pang testigo.

Facebook Comments