
Binigyang diin ni House prosecution panel spokesperson at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na lalong naging matibay ngayon ang katotohanan na walang confidential funds ng Department of Education (DepEd) ang ginamit sa Youth Leadership Summits (YLS) sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Adiong, batay ito sa naging testimonya ngayong araw sa impeachment trial ni dating DepEd Undersecretary Michael Poa na nagpatibay sa mga testimonya nina Army officers Col. Manaros Boransing II at Col. Magtangol Panopio.
Una rito ay lumitaw na ginamit sa liquidation reports na isinumite sa Commission on Audit (COA) ang military certifications para sa 15.54 million pesos na bahagi ng confidetial funds ng DepEd.
Bunsod nito ay malaking tanong para kay Adiong, kung saan o kanino na napunta ang nabanggit na milyones na halaga ng confidential funds ng DepEd sa panahong si Vice President Sara Duterte ang kalihim nito.










