
Inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na may master plan ang pamahalaan para sa flood control.
Sa pagbisita ng pangulo sa dalawang nasirang tulay sa Tarlac dahil sa habagat, sinabi niyang kasalukuyan na itong ginagawa para solusyonan ang problema sa baha.
Matagal na aniyang may master plan pero hindi lamang ito naipatupad sa matagal na panahon.
Ayon sa pangulo, matagal nang mayroong flood control master plan ang bansa pero hindi ito naipatupad noon.
Sinabi pa ni PBBM na isa ang climate change sa nakaka-apekto ngayon at nagdudulot ng malawakang pagbaha dahil sa hindi pangkaraniwang dami ng ulan na nagresulta sa pagkasira ng ilang mga tulay.
Tiniyak naman ng pangulo na minamadali na ang pagsasaayos ng Aquino at Agana Bridge upang agad na madaanan ng mga motorista.










