Text messages hinggil sa social welfare funds para sa senior citizen, huwag paniwalaan – DSWD

Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko laban sa mga kumakalat na text message hinggil sa social welfare funds para sa senior citizens.

Paglilinaw ng DSWD ang social welfare funds ay hindi totoo.

Payo ng ahensya, huwag ibibigay ang personal details sa mga ganitong modus.


Sa text message, na ipapadala ng isang mobile phone use na may contact number na 09317549635 ay mababasa ang: “Goodnews. Senior citizen po/mam. we contact you to receive social welfare funds. Email now for Claim/briefing-vf197705@gmail.com.”

Payo pa ng DSWD sa publiko na bumisita sa kanilang website: www.dswd.gov.ph o sa kanilang official social media page para sa impormasyon ukol sa kanilang mga programa at aktibidad.

Facebook Comments