Santiago City, Pinakamaraming Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela

19

Cauayan City, Isabela- Nangunguna ang Santiago City sa may pinakamaraming Aktibong kaso (80) sa Lalawigan ng Isabela.

Sumunod ang Lungsod ng Ilagan (67) at Cauayan (64).


Wala namang aktibong kaso o zero active case sa kasalukuyan ang bayan ng Burgos, Divilacan, Dinapigue, Mallig, Quezon at Sta Maria.

Base ito sa pinakahuling datos na naitala ng Isabela Provincial Health Office (IPHO) na kung saan ay umaabot sa 578 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Ang tatlong nabanggit na lungsod ay nakakategorya na rin sa ‘Community Transmission’.

Facebook Comments