DSWD, hinimok ang SAP beneficiaries na hindi pa nakatatanggap ng ayuda na magtungo sa field offices para sa validation

1162

Hinikayat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang publiko lalo na ang mga benepisyaryo ng second tranche ng Social Amelioration Program (SAP) na hindi pa natatanggap ang kanilang cash aid na magpunta kanilang field offices para sa validation.

Pagtitiyak ni DSWD Spokesperson Irene Dumlao, ang mga kwalipikadong SAP beneficiaries ay matatanggap ang kanilang emergency cash subsidy dahil nakamandato ito sa ilalim ng Republic Act No. 11469 o Bayanihan 1.


“Doon sa mga nakatanggap naman ng kanilang SAP during the first tranche, but are still waiting for the second tranche, gusto nating i-explain muli that if you are not naman duplicates, and you are eligible, then nagkaroon lang problema sa mobile number or middle name, or other information, makipaguganayan lang po sa pinakamalapit na Field Office ng DSWD so that we could check and validate with our payroll kung nandon po ang inyong pangalan o ano ang reason why you were not able to receive yet your second tranche para maisama sya dun sa ating nire-reprocess,” sabi ni Dumlao sa isang radio interview.

Dagdag pa ni Dumlao, patuloy ang pagsasagawa ng manual payout sa mga natitirang SAP 2 beneficiaries.

Paglilinaw rin ni Dumlao, bagama’t gusto nilang ipaabot ang SAP sa lahat ng Pilipino, ang target ng assistance ay pamilya at hindi mga indibidwal.

“Para doon sa hindi nakatanggap ng (For those who have not received) SAP primarily because they have no families, there are other forms of assistance that may be extended by the DSWD, such as the he Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program or provisions of food packs and other services,” giit ni Dumlao.




Una nang sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista na kinakalap nila ang mga mahahalagang datos mula sa Financial Service Providers (FSPs) at napagdesisyunang magsagawa ng manual payout.

Target ng DSWD na tapusin ang manual payout sa ikatlong linggo ng Pebrero.

Facebook Comments