Sa dami ng problema na kinakaharap natin araw-araw isa na dito ang ating ngipin. Syempre napakahalaga nito lalo na kung ikaw ay madalas na nakikipag-usap sa tao. Sa ngipin makikita kung ikaw ay malinis o pabaya sa sarili.
Kaya naman para mas matulungan ka na mapangalagaan ang iyong ngipin at higit sa lahat ito ay pumuti katulad ng sa mga artista, basahin lamang ang mga sumusunod at hindi mo na kailangan pang gumastos ng malaki. Maaring ang ibang mga gamot o sagot sa iyong problema ay nasa bahay niyo lamang.
- Baking soda at kalamansi – Kailangan mo ng tatlong kutsara ng baking soda tamang dami ng kalamansi juice para makagawa ng malapot na paste. Linisan/ Patuyuin ang bibig at ngipin gamit ang tissue o paper towel.
- Langis ng niyog – Ang pagmumog ng langis ng niyog o coconut oil ay isang kakaiba ngunit matagal ng pamamaraan para pumuti ang ngipin. Ito ay may taglay na lauric acid na epektibong pamatay ng mikrobyong kumakapit sa mga plaque ng ngipin na dahilan ng paninilaw. Ito ay tumutulong din na mapanatiling healthy ang gilagid at mabangong hininga. Magmumog lamang ng isang kutsarang langis ng niyog tuwing umaga bago mag-toothbrush.
Wala namang mawawala kung susubukan pero syempre kung ikaw ay may budget, mas mabuting sumangguni sa dentista kung ano ang dapat gawin sa iyong ngipin.
Article written by Kat Alibio
Facebook Comments