Sa Pilipinas, malaking isyu ang grammar, pananamit at ang balat lalo na sa kababaihan. Kaya naman marami sa mga babae ang hindi confident sa kanilang balat dahil sa insecurity na kailangan ay makinis ka. Basa at tanong kung saan saan kung paano nga ba mapapakinis ang balat. Handang gumastos kahit magkano maging makinis lamang.
Alam niyo ba, hindi naman pala talaga magastos magkaroon ng makinis na balat?
Ayon sa isang pag-aaral, ang pumice stone ay hardened lava foam na mabisang pantanggal ng dead skin at mga calluses sa paa. Mabisa din daw itong pantanggal ng mga balahibo sa katawan.
Kaya naman, hindi na kailangan gumastos ng malaki para lang magpa-wax dahil panghilod lang pala twice a week ang solusyon. Ito ay nabibili sa mga supermarket at drugstore, ang presyo ay hindi tataas sa 50 pesos kaya tipid talaga. Sa halagang 50 pesos may pag-asa ka na ulit. Tiyaga- tiyaga lamang at kailangan consistent.
Tandaan lamang na kailangan tuloy- tuloy ay paggamit ng panghilod na ito dahil ang mga buhok ay kusa ding bumabalik kapag nahinto sa paggamit. Huwag mong kuskusin ng marahas ang iyong balat dahil maaring ikasira nito lalo. Hugasang mabuti ang panghilod pagkatapos gamitin.
Article written by Katrine Alibio