Inilunsad ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 ang unang batch ng libreng Theoretical Driving Course (TDC) para sa kababaihan kahapon, Marso 3, 2026, bilang bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month.
Layunin programa na magtatagal hanggang ngayong araw na bigyang-kaalaman at kasanayan ang mga kababaihan sa road safety, traffic laws, at tamang pagmamaneho upang mas maging kumpiyansa at responsableng motorista sa kalsada.
Kasama sa kurso ang interactive lectures, real-life driving scenarios, at practical assessments na sumasaklaw sa traffic regulations, defensive driving techniques, at wastong paghawak ng sasakyan.
Plano ng LTO Region 1 na magdaos ng karagdagang batch ng libreng kurso sa buong buwan ng Marso upang mas maraming kababaihan ang makinabang sa inisyatibang ito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










