Manila, Philippines – Naglabas ang Quezon City Metropolitan Trial Court ng ‘Watchlist’ order laban sa 24 na tiwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na nahaharap sa kasong kriminal dahil sa ilegal na pagdadala ng armas.
Inatasan na rin ng korte ang Bureau of Immigration (BI) na magpatupad ng travel ban at magsumite ng reports hinggil sa mga dati at kasalukuyang travel records sa mga dating INC members, kabilang sina:
Felix Nathaniel ‘Angel’ Manalo at Lolita Manalo-Hemedez (mga kapatid ni INC Executive Minister Eduardo Manalo).
Batay sa police report, sina Felix, Lolita at mga kasama nito ay walang pakundangang nagpaputok ng baril sa law enforcement team na nagsisilbi lamang ng search warrant sa isang INC property sa Quezon City noong Marso 2017.
Narekober ang 26 na shotgun, pitong kalibre-22 na baril, dalawang m-16 rifle at isang M1 carbine matapos ang insidente.