Manila, Philippines – Hindi na itutuloy ng Stop and Go Coalition ang tigil-pasada ngayong araw.
Sa halip, ayon kay Jun Magno, presidente ng grupo, isang mas malawakang kilos protesta ang kanilang ikinakasa na gagawin nang pang buong bansa
Aniya, pag-uusapan nila sa Sabado kung kailan nila ito ikakasa.
Muling iginiit ni Magno na hindi tulong kundi negosyo ang pautang sa ilalim ng jeepney modernization program.
Hindi rin aniya libre ang pagpapalit nila ng mga lumang jeep dahil bukod sa babayaran, may interes pa ang 1.4 million pesos na loan program.
Kinuwestiyonable din ni Magno ang tibay ng mga e-jeepney at hindi rin aniya dapat isisi sa mga lumang jeep ang problema sa trapiko.
Facebook Comments