Lalaki sinaksak ng kapatid dahil sa pangungupit

Arestado ng Rajah Buayan PNP at Brgy Sapakan Officials sa pangunguna ni ABC President Datu Jack Ampatuan ang isang Jimbo Lumenda matapos manaksak ng kanyang sariling kapatid.

Tama sa ulo at tagiliran ang natamo ng biktimang nakilala si Amor Lumenda na kasalukuyang ginagamot na sa IPHO sa Datu Hoffer Ampatuan.

Sa impormasyong nakuha mula kay Councilor Jack , sinasabing nag ugat lamang sa paghihinalang nangungupit ng pera sa kanilang tiyahin mula abroad ang biktima resulta ng pananakasak ng suspek.


Matapos ang insidente agad na hinuli si Jimbo habang desidido na rin aniya ang pamilya na sampahan ng kaso ito, kasalukyang nasa selda na ang suspek ng RB MPS.

Facebook Comments