Hindi naparalisa ang sektor ng transportasyon sa isinagawang tigil-pasada ng mga jeep sa Quezon City.
Batay ito sa assessment ng Quezon City Police District (QCPD) ngayong hapon.
27 lang ang nakitang stranded na pasahero ng QCPD subalit hindi naman tumagal ang paghihintay dahil sa mga nag-aalok ng libreng sakay.
Hindi naman nakasagabal o nakaapekto sa peace and order ang tigil pasada ng ilang tsuper ng jeep.
Patuloy na nakakalat ang mga tauhan ng QCPD para masigurong hindi hahantong sa karahasan ang tigil-pasada.
Facebook Comments