Tampok ngayon ang invisibility cloak sa Harry Potter kung saan ay pwede nang mag-preorder online simula ngayong Hulyo 1.
Sa book series ni J.K Rowling na Harry Potter, nagiging invisible o hindi nakikita ang sinumang magsusuot nito.
Sa inilabas na detalye, mangyayari lamang na invisible kapag nakuhanan ng litrato habang suot ito gamit ang Android o iOS phone app na magsisilbing green screen ang cloak.
Una nang nilabas ang prototype design nito noong New York Toy Fair kung saan ang nakaisip ng ideya ay isa ring Harry Potter fan.
Mabibili ito sa halagang $70 o umaabot ng P3,600 sa standard version na may kasamang foldaway stand. Ang deluxe version naman ay nagkakahalagang $80 o higit P4,100 na may kasamang tabletop tripod.
Matapos ang pre-order, makukuha ang invisibility cloak sa darating na Agosto 1. Nanalo namang Toy of the Year ang invisibility cloak na ito sa Sweden’s Toy Awards.
Panoorin kung paano ito nangyayari at gumagana:
Harry Potter's Invisibility Cloak is real at #toyfair2019 and it's so much fun! pic.twitter.com/qUiYYZIOVp
— Mike Sorrentino (@MikeJSorrentino) February 16, 2019