TIGNAN: Kauna-unahang tempura bar sa Cebu City

Image via Siosai Tempura by Yasu Suzuki Facebook page

Sa lahat ng travel and food lovers na dadayo sa Queen City of the South, maaring isama sa inyong bucket list ang kauna-unahang at nag-iisang tempura bar sa lungsod ng Cebu.

Matatagpuan sa Bonifacio District, F. Cabahug Street, ang Siosai Tempura by Yasu Suzuki.

Ilan sa patok nilang putahe ay ice cream tempura, leche flan tempura, cheddar pork tempura at giant sea tiger prawn. Dahil bukas sa publiko ang kanilang kusina, makikita kung paano hinahanda at niluluto ang iba’t-ibang tempura dishes.


Ngayong buwan, ipinagdiwang ng Japanese restaurant ang kanilang unang anibersaryo.

Kuwento ng head chef na si Kojiro Shimamura, napansin nilang ebi lang ang meron sa Cebu City kaya naisipan nilang magtayo ng tempura bar.

Sa halagang P100 above, matitikman ng mga bakasyunista ang iba’t-ibang klase ng luto ng tempura.

Facebook Comments