TIMBOG | 17-anyos na lalaki, arestado dahil sa walang damit pang-itaas at mahulihan ng ipinagbabawal na gamot

Caloocan City – Dinala sa presinto ang isang 17-anyos na lalaki matapos makitang gumagala ng walang suot na damit pang-itaas sa Mabait Alley Barangay 154, Caloocan City.

Ang nasabing menor de edad ay nahulihan din ng isang pakete ng pinaniniwalaang marijuana.

Ayon sa Caloocan PCP-1, kinapkapan nila ang nasabing suspek dahil meron na siyang initial na paglabag kung saan dito na nakita ang pinaniniwalaang bawal na gamot.


Mariin naman itinanggi ng lalaki na kaniya ang iligal na droga saka sinabing ipinahawak lamang ito sa kaniya pero hindi naman niya mabanggit kung sino ito.

Facebook Comments