NAPIKON | Guwardiya patay matapos makipagsaksakan sa kapwa niya guwardiya sa Pandacan, Maynila

Manila, Philippines – Nang dahil sa away sa oras ng duty, patay ang isang guwardiya matapos makipagsaksakan sa kapwa niya guwardiya sa Pandacan, Maynila.

Nakilala ang nasawing biktima na si Jetson Cabarles habang ang suspek ay si Johnny Killa.

Sa ulat, nagkahabulan pa ang dalawa sa loob ng isang condominium at pagsapit sa ikalawang palapag, dito na sinaksak ng suspek ang biktima.


Sinubukan pang tumakas ng suspek pero agad na nakaresponde ang iba pang mga tauhan ng gusali kung saan naisugod pa si Cabarles sa ospital subalit agad din siyang binawian ng buhay.

Nabatid na nagsimula ang alitan ng dalawa nang mapikon si Cabarles sa suspek nang hindi siya nito narelyebuhan sa duty.

Facebook Comments