TIMBOG | 2 personalidad na nagsusugal, nakuhanan ng shabu sa Pasig City

Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang dalawang personalidad matapos na mahulihan ng shabu habang nag totong its sa Evangelista Compound, Brgy. Palatiw Pasig City.

Nakilala ang mga suspek na sina Aubrey Albia 20 anyos at Maria Liza 45 anyos na naaresto sa Evangelista compound, Brgy. Palatiw, Pasig City.

Ayon sa Pasig City Police Station PCP 5, nakatanggap sila ng tawag sa, telepono mula sa isang concerned citizen kung saan ipinaalam sa mga pulis na mayroong nagsusugal ng tong-its sa naturang lugar.


Pagdating ng mga pulis sa lugar ay kanya kanyang nagsisipulasan ang mga nagsusugal sa iba’t ibang direksyon pero naiwan ang dalawa na nagresulta sa kanilang pag aresto kung saan nakumpiskahan ng anim na plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Facebook Comments