TIMBOG | 3 tulak ng iligal na droga, arestado sa Caloocan

Manila, Philippines – Arestado ang tatlong tulak ng iligal na droga sa Caloocan, kagabi.

Nagpapatrolya ang mga pulis nang mamataan ang tatlong suspek na nag-aabutan ng maliliit na pakete ng shabu.

Kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang isinampa laban kina Rafael Galves, Lorena del Mundo at Lota del Mundo.


Samantala sa Caloocan pa rin, sa kulungan din ang bagsak ng dalawang indibidwal matapos namang maaktuhang nagsusugal sa Libis Talisay.

Kinilala ang mga suspek na sina ronela tancheco at Jenar Olivar.

Facebook Comments