WALANG DAHILAN | Reassignment ni Police Supt. Jovie Espenido bilang hepe ng Ozamiz City police, hindi babawiin ng Malacañang

Manila, Philippines – Walang dahilan para bawiin ang reassignment ni P/ Supt. Jovie Espenido bilang hepe ng Ozamiz City police.

Ito ang sagot ng malacañang sa panawagan ng grupong “concerned Ozamiz professionals” na bawiin ang muling pagtatalaga ni Espenido sa lugar na epektibo na noong Huwebes.

Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo – walang “compelling reason” para bawiin ang utos ni Pangulong Duterte.


Tinawag pa nitong taga-suporta ng mga sindikato ng iligal na droga sa lugar ang nasabing grupo.

Matatandaang ipinag-utos ni Pangulong Duterte kay PNP Chief Director General Oscar Abayalde na pabalikin si Espenido sa Ozamiz City Police, matapos malipat sa Bicol at Eastern Visayas Regions.

Facebook Comments