TIMBOG | Apat na dayuhan na nagbabalak magtungo ng UK at Canada gamit ang pekeng travel documents, naharang ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Apat na dayuhan ang panibagong naharang ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang naturang mga dayuhan ay magtutungo sana sa United Kingdom at Canada, mula naman sa Manila na ginagamit nila bilang jump-off point.

​Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang apat na illegal aliens ay kinabibilangan ng dalawang Congolese nationals, isang Pakistani at isang Chinese.


Ang mga naharang na sina Pakistani Waheed Zeeshan , Chinese national Bo Hong at Congolese passengers Naty Kanda Mizidi at Caleb Mizidi ay pawang may hawak na mga pekeng travel documents.

Ayon kay Morente, si Zeeshan ay may pekeng British passport habang ang Chinese na si Hong ay may pekeng Mexican passport.

Peke rin aniya ang Canadian visa ng dalawang Congolese.

Ang naturang mga dayuhan ay nakakulong ngayon sa Immigration detention facility.

Facebook Comments