Manila, Philippines – Kalaboso ang dalawang lola matapos maaktuhang may hawak na iligal na droga sa Batangas Street, Tondo, Maynila.
Kinilala ang mga nadakip na sina Vicky Trinidad, 62-anyos at Gloria Nocum, 60-anyos.
Naaktuhan ang dalawa na sinusuri ang maliit na sachet ng shabu kaya at agad silang nilapitan at inimbitahan sa presinto.
Nakiusap pa ang dalawang lola na huwag nang arestuhin at pagbigyan na lamang lalo na may katandaan pero hindi umubra ang palusot ng mga ito sa mga pulis.
Facebook Comments