TIMBOG | Dating pulis at lima pa, arestado sa buy bust

Quezon City – Arestado ang anim na katao kabilang ang isang dating pulis sa ikinasang buy bust operation ng QCPD station 7 sa Barangay San Martin De Porres, Cubao, Quezon City.
Kinilala ang suspek na dating pulis na si Calixto Peralta Jr. kung saan narekober sa kanya maging sa kasamahan nito ang 14 plastic sachet ng shabu na nasa 7,000 pesos ang street value ng droga, 900 pesos cash at 500 pesos buy bust money.
Inamin ni Peralta na gumagamit ito ng shabu pero itinanggi nito na siya ang may-ari ng mga narekober na shabu.

Facebook Comments