TIMBOG | Drug suspek, arestado matapos isumbong ng concerned citizen sa Taguig

Taguig City – Timbog ang 21-anyos na lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga sa Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Jeffrey Bartolay na residente ng Mercado Compound, Barangay Hagonoy sa nabanggit na lungsod.

Sa ulat, nakatanggap ng sumbong ang PCP-2 Taguig PNP, sa pamamagitan ng infotext na may nagaganap na drug trade sa Maguindanao Street, Barangay New Lower Bicutan.


Nang puntahan, nagawa pa ng suspek na tumakbo pero naabutan ito ng mga pulis kung saan nakuha sa kaniya ang dalawang pakete ng shabu.

Facebook Comments