TIMBOG! | Isang call center na nagbebenta ng marijuana, arestado sa buy-bust operation sa Antipolo City

152

Antipolo City – Hindi na nakapalag pa ang isang call center agent matapos itong masakote sa ikinasang buy-bust operation sa Antipolo City.

Kinilala ang suspek na si Albert Mangapit, 25-anyos na nakuhanan ng talbos ng marijuana o mas kilala sa tawag na top buds.

Nabatid na mas mahal daw ang ganitong klase ng marijuana at mas mabenta dahil kakaiba raw ang tama nito.

Iginiit naman ng suspek na sapat naman daw ang kinikita niya bilang isang call center agent pero naniniwala raw siyang marami siyang magagawa kung mas kikita siya ng malaking pera.

Sinabi pa nito na kaya daw niyang baguhin at paunlarin ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatanim ng marijuana kung saan plano daw niyang maging pulitiko kapag nakaipon na ng pera.

Facebook Comments