TIMBOG | Lalaking nanggahasa sa menor de edad, arestado

20

Manila, Philippines – Arestado ang isang lalaking matapos ireklamo ng panggagahasa sa isang menor de edad sa Maynila.

Sa bisa ng warrant of arrest, inaresto ng mga kawani ng National Bureau of Investigation (NBI) ang suspek na si Harold Roque.

Nagkulong pa si Roque sa loob ng kanyang kwarto kasama ang kanyang live-in partner pero kalaunan ay napilitan din sumuko.

Ayon kay Atty. Joseph Martinez, special agent ng NBI sa National Capital Region (NCR), ginahasa ni Roque ang isang nalasing na menor de edad sa mismong bahay kung saan siya dinakip.

Nabatid na walang piyansa ang kasong rape na isinampa laban kay Roque dahil menor de edad ang biktima.

Iniimbestigahan na ng NBI ang ibang nabiktima ng panghihipo at pananamantala si Roque at nais daw ng mga ito na magsampa ng kaso.

Facebook Comments