TIMBOG | Mahigit 50 Chinese national na sangkot sa mga ilegal na negosyo, arestado

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Fugitive Search Unit at Chinese interpol ang nasa 51 Chinese national sa Makati, Muntinlupa at Pasay City.

Ayon kay BI Fugitive Search Unit Chief Bob Raquepo, una nang pinasok ang limang condo units sa Makati kung saan 30 dayuhan ang inaresto dahil sa iba’t-ibang uri ng cyber fraud transactions.

Sa Alabang naman, nahuli sa akto ang 16 anim na Chinese nationals habang abala ang mga ito sa kanilang illegal gambling operations sa loob ng isang exclusive na subdivision.


Aniya, ilang buwan nang nirerentahan ng mga dayuhan ang mansyon at nag-o-operate ng online gambling na mahigpit namang pinagbabawal sa China.

Nahuli rin ang anim na Chinese fugitives sa loob ng isang five star hotel sa Pasay City na ilang buwan nang tinutuluyan ng mga dayuhan.

Ang nasabing hotel ay ginawang sentro ng kanilang online economic fraud activities.

Nakumpiska sa mga suspek ang samu’t saring gadgets tulad ng laptops, mobile wifi connection, access cards at digital data na gagamiting ebidensya laban sa kanila.

Facebook Comments