HULICAM! | SUV na nawalan ng kontrol, pumasok sa loob ng isang ospital sa Taguig

Taguig City – Binangga ng isang SUV ang pader ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig.

Sa inisyal na impormasyon mula sa traffic sector ng Taguig, galing ang sasakyan sa basement 4 parking ng nasabing ospital.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagharurot ng Mitsubishi Montero Sport na may plakang NBP 2262 at minamaneho ni Johann Dizon, 53-anyos galing parking papasok sa elevator area papuntang lobby.


Sa lakas ng impact, nagiba ang pinto at nawasak ang bahagi ng pader sa nasabing area.

Wala namang nasaktan sa insidente, maski ang driver ng sasakyan.

Patuloy namang inaalam ang sanhi ng biglang pagharurot ng nasabing sasakyan.

Facebook Comments