TIMBOG | Nag-viral na mandurukot, nahuli na sa Cubao

Cubao – Arestado ang isang magdurukot matapos mahuli mismo ng kanyang biniktima sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si John Mark Podol, 31-anyos, residente ng Barangay Ampid Uno, San Mateo, Rizal.

Ang nabanggit na suspek ay nagviral sa social media matapos mavideohan habang binubuksan ang bag pack ng pasahero habang sumasakay sa bus.


Ganoon din ang modus ng suspek nang mahuli siya ng biktima sa tapat ng Farmers Plaza, Cubao, Quezon City.

Nagsisigawang biktima na si Angeline Marquez, 27-anyos, na nakapukaw ng atensyon ng pulis sa paligid kung kaya’t naaresto si Mark Podol.

Sasampahan ng kasong theft ang nasabing suspek.

Facebook Comments